*Not intended for public viewing but you are free to read :)

Tuesday, November 23, 2010

Bagong Taon

January 1, 2010

Sinalubong ko ang bagong taon kasama ang aking sarili at ang apat na sulok ng aking kuwarto.
Sya nga pala, wala na ako sa Makati. Dito na ako nakatira sa isang kamag-anak sa Taguig. Wala na rin ako sa dating pinagtatrabahoan na call center sa Jupiter. Dito na ako sa TCC, o kilala ngayon bilang PCC (Philplans Corporate Center), sa isa paring call center.
Medyo nag-eenjoy na ako sa aking trabaho kahit may mga panahong dinadalaw parin ako ng kalungkutan. Hanggang sa ngayon nga, ay matatapos na ang taon ng 2009. Ang taon ng pasakit. Ang taon na malupit. Ang taon ng luha. Ang taon na magbubukas sa bagong tuwa.
Pinili kong mapag-isa sa pagsalubong sa bagong pag-asa. Upang magdasal at humingi ng tawad sa lahat ng maling nagawa. Upang hilingin na sana ang darating na taon ay punuin ng saya.

Maynila

Mabilis ang mga pangyayari. Kailanman hindi ko pinangarap ang tumira sa lugar na ito. Pero sabi nila, dalawang buwan lang daw at pagkatapos ng training ay pwede na kaming umuwi. Mabuti nalang at sa Makati kami tumira. Medyo, nagustohan ko naman ang lugar. Ganito pala sila sa Makati.
Iniibsan ko at ng mga kasamahan ko ang lungkot at pangungulila sa paglilibot at pamamasyal sa Rockwell, ang paborito naming tambayan. Sa gabi, sa Ice Cream Bar at Seven-Eleven naman kami. Nagkukwentohan at inaabangan ang mga skater boys.
Hanggang sa nakatanggap ako ng tawag mula sa aking ina. Very disappointed. Hindi ko lubos maisip na ganoon na pala ang mga kwentong pinagkakalat tungkol sa akin. Sa taon na ito, 2009, naranasan ko ang labis na masaktan, malungkot, mangulila at ang manghinayang. Mga desisyong bumago sa aking buhay. Mga karanasang nag-iwan ng peklat na maari ko mang takpan, pero kailanman ay hindi ko na mabubura.
Ang inakala kong dalawang buwan na pananatili sa MAYNILA, ay umabot ng dalawang taon hanggang sa kasalukuyan.

Sa Taxi

 December 13, 2008

As usual, nagmamadali, hinahabol ang oras. Malelate na ako sa flight ko. Pero habang mabilis ang pagtakbo ng sasakyan at ang kabog sa aking dibdib, tila biglang bumagal naman ang aking diwa at isip. Parang slow motion sa palabas sa TV. At saka ko lang napagtanto na iiwanan ko na ang lahat. Pamilya, mga kaibigan, kamag-anak, mga kakilala at kapitbahay. Mga lugar na lagi kong pinupuntahan, mga paborito kong kainin at kainan, pati na rin ang aking wika. My flight to Manila is in an hour.....iiwan ko na ang aking buhay.